Monday, March 31, 2014

SP. ASTIIIG!

Sa totoo lang, mas naging bukas ang mata at pang unawa ko sa ating kapwa tao dahil sa sikolohiyang pilipino. Madami akong natutunan sa Sikolohiyang pilipino namin. Madaming nakakatuwang bagay ang naranasan ko. 

Hinding hindi ko makaklimutan yung nag-survey kami para mapatunayan o malinawan kung tootoo nga bang babaero ang mga Pilipino? Tuwang-tuwa ako nung kasi sensitibo man ang topic dahil sa gender related issue e, ansaya pa rin. Kasi ang daming LEARNING, ang daming nilang opinyon na napasabi ako na "Oo nga no?" at may iba naman na nakakatuwa ipahayag ang kanilang opinyon.

Napansin ko sa mga Pilipino animated sila mag-kwento. Yung tipong may re-enactment pa. Madami sa kaibigan ko na ganyan mag kwento. Maging AKO din! Proud ako sabihin na minsan nga may sound effects pa ako! :) (a/n: ang ka-alienan ng author ay nakikita nyo na)

Isang balik-tanaw habang nag-aaral sa sikolohiyang Pilipino... Isang hinding-hindi ko malilimutang eksena sa loob ng Room 207.

Tinatalakay namin ang "LOOB at SARILI", hindi ko talaga maintindihan nung una kung ano ba ang pinagkaiba ng dalawa. E kasi naman, parang magkapareho lang. Pero nakuha ko na naman. (a/n: maniwala kayo sa hindi pinagkapuyatan ko intindihin yan!) Balik sa kwento, habang tinatalakay ang nasabing paksa, nagtaas ako ng kmay kasi hindi ko talaga maintindihan. Hindi ako nabigyan ng pagkakataon na tawagin kasi akala ng guro ko e, sasagutin ko yung tanong nya. Nakalagpas na sa paksang iyon, nagbibigay na ng halimbawa yung guro namin ng mapansin nyang nakakunot ako. Tinanong nya kung bakit parang hindi ako sumasang-ayon sa mga sinasabi nya, marahil nakita nya na nakakunot ako. Sinagot ko sya na hindi ko maintindihan, aminado naman ako na hindi ko maintindihan.

Bakit hindi ko iyon makalimutan? Bukod sa nakita ko na grabe talaga ang suporta at pag tuturo ng aming mga guro sa amin para lang mas maintindihan namin ang aming mga subjects. (a/n: Bukas talaga sila mag-turo sayo kapag hindi mo maintindihan. Lumalapit talaga kami sa kanila tuwing vacant namin para magtanong... hindi palagi pero minsan).  Hindi ko sya makalimutan kasi yun ang naging wake-up call sa akin; mas maging pamilyar sa mga salitang Filipino.
Wake-up call kasi parang natuka ako ng hinahanap ko. 
Hinahanap ko kasi yung ASTIG! Hindi ko basta mailarawan noon kung ano yung hinahanap ko, pero nung natapilok ako, eto lang pala; nasa harap ko na, tapos nilalagpasan-lagpasan ko lang.

Ngayon, para sa akin, gaya ng nabanggit sa naunang post parang karagatan ang SP, malawak at malalim. Natuwa akong pagmasdan at panoorin ang SP ngunit mas nasiyahan ako sa pag tatampisam at pag langoy ko. Nawa sa pag daan ng panahon, mas malayo at malalim ang malaman ko ukol sa SP.

SP, Salamat ng madami!!! ASTIG KA SP!

No comments:

Post a Comment