Ang Blog na ito ay para talaga sa subject namin na sikolohiyang Pilipino pero... dahil natuwa ako masyado e sige ipagpapatuloy ko na lang.
Objective ng Blog na ito ay makakipagdaupang-palad sa mga kapwa Pilipino. Base sa title ng blog na ito, grabe kasi nga pinoy . Tatalakayin natin ang ugali, gawi at kilos nating mga Pilipino na sa totoo lang hindi natin mapaliwag ng ganun ka simple.
Hindi ako ganun kahusay gumamit ng Filipino kaya natutuwa din ako kasi mas makakapag-ensayo ako sa pag gamit ng wikang atin. Kaya kung mali man, bukas po ang aking pintuan sa mga puna.
Sabi nila Alien daw ako, sa tingin ko naman konti lang. Siguro kaya nila nasabi kasi iba ang takbo ng pag-iisip ko. Hindi sa kung ano pa man kundi dahil... ang dami kong tanong. Kay madami din ba kayong tanong? Penge! Ibahagi mo tapos pag-usapan natin! -- vLah
No comments:
Post a Comment