Nagtapos ako ng High School sa Regional Pilot School for the Arts at kumuha ng Art Specialization na Music.Dahil dito, malapit na malapit ang puso ko sa musika; bago man o luma, Pilipino man o hindi. Isa ang musika sa aspeto ng sining na napakayaman.
Noong unang panahon, Sikat na sikat ang Kundiman. Sadyang talentado ang mga Pilipino kung kaya't nakakadala ng damdamin (ramramin) ang mga kanta; awit ng pag-ibig, awit ng pangarap at awit ng mga damdamin. Naging maugong ang pag gawa at pag tangkilik dahil mas ginagamit itong pang harana noong araw.
Sample ng Kundiman? Napakinggan ko ang "Sa Lumang Simbahan" na gawa ni Maestro Constancio De Guzman na kinanta ni Larry Miranda sa youtube. Kayo nang humusga sa ganda ng musika... Musika natin.
Sa panahon ngayon, nabago ang tugtog na gamit. Pero nanatili ang pag gamit sa musika upang maihayag ng mas maganda ang saloobin ng may akda. Nagkaroon lang ng bagong accompaniment pero pareho pa rin ng ugat. May kurot pa rin sa damdamin ang musikang Pilipino.
Isa pang konsepto na maipagmamalaki ang balagtasan. Parang debate pero may sukat ang mga salita. Nakakaliw manood ng balagtasan sa kadahilanang bilis ng utak ang kailangang pairalin ng mga kalahok. Mas magandang ang batuhan ng linya mas maganda ang Balagtasan.
Sa ating panahon, RAP ang tumatayong balagtasan; FLIP TOP ang bagong balagtasan. May sukat pa rin ang mga salita pero ngayon may tugtog na (beat). Hinaluan man ng impluwensya ng panahon, parehong ugat, parehong konsepto; natalinong debate, debate na may laman.
No comments:
Post a Comment