Dee,
Nauunawaan ko ang pagka-gusto mo na mayos akayong makakaibigan. Ganyan talaga, dadating at dadating kayo na masusubok ang tatag ng samahan nyo. Lahat ng relasyon dumadaan sa ganyan. Sabi ng matatanda mas ayos daw yun at mas maganda dahil mas mauunawaan nyo ang isa't isa.
Sa tinatanong mo kung ano pa ang dapat mong gawin... Sa tingin ko ay wala na. Oo, kabilang ka sa grupo at ikaw ang nahihirapan ngunit tandaan mo din na sila lang ang may alitan. Nakasanayan kasi nating mga Pilipino na maging "tulay" ng pagbabati o kung hindi man e maghanap ng "tulay". Pabayaan mo na lang silla na maayos ang alitan nila. Maayos at maayos din iyon.
Namana na natin ang Mana na Habit o procrastination sa Ingles. Alam na alam yan ng mga kabataan ngayon, ang mga katagang "mamaya na lang". Lahat tayo ay dumaan at nagkaroon ng ganyang kasanayan. Ngunit hindi maganda ang kaugaliang ito. Binibigyan tayo ng sapat na oras para makagawa ng mga bagay, sa kasong ito proyekto. Kadalasan, sa mga kabataan ngayon e isang araw bago ipasa ang proyekto saka lang gagawin, magpupuyat at hahapitin ito. Sa hapit na trabaho, kadalasan hindi maganda ang resulta. Hindi gaano ka quality ang gawa o mukhang zombie ka pag pasok mo kinabukasan.
Bilang Pilipino ay likas sa atin na makialam sa nangyayari sa atin, likas din na makibagy sa ibang tao para sa mas magandang tunguhan. Natural na ang mga puna at komento, laging isipin na ang mga ito ay constructive critcisms na kung saan para sa ikagaganda at ikaauunlad mo ito. Kung nais ng magandang tunguhan maari, dapat lang ay magbigayan at mag unawaan. May panahon na hindi kayo magkakasundo pero tiyak na may panahon para maitama ang lahat.
Nawa'y nakatulong ako!
Nagmamahal,
vLah
No comments:
Post a Comment