Monday, March 31, 2014

SEE-ONE at Sir JED.


  C1,

     SiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiWaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaan!!  

    Gaya ng nakasulat sa board natin, palapit na tayo sa senior year. Yung mga tipong isang buwan at mahigit na lang e, rarampa tayo sa corridor na may baong ngiti ng tagumpay kasi 'PORTJIR' na tayo!

   Nakakatuwa isipin na sa loob ng tatlong taon, unti-unti tayong nabuo. Minsan may di pagkakasundo pero nagiging ayos naman. Mga knock-knock na havey at waley!

   Salamat sa madaming pasensya sa akin! Alam ko kasi na may kahirapan ako intindihin... Okay, sige mahirap ako intindihin. Grabe yung pasensya nyo sa akin para intindhin at pakinggan ako. Lalo na sa mga tanong ko at sa mga jokes na waley.  

   Salamat sa kalinga. Nagkaroon ako ng dagdag na kalinga sa loob ng URS. Sa totoo lang, nakakatuwa at may kurot sa puso kapag sinasabihan nyo ko na 'Aba! maaga kang uuwi ah!' Pabiro man pero ramdam ko yung care. Nasobrang ang sarap sa pakiramdam!

   Salamat sa napakadaming memories to treasure! Salamat sa pag sasaboy ng kulay sa buhay kolehiyo ko! Salamat C1!!!!

  Lubos na kinikilig,

  vLah :)








------------


Sir Jed, 

  Hi Sir!! Hehe!! 

  Experimental Psychology pa lang po sobrang dami nyo nang naibahaging kaalaman na nakapagbibigay ng ngiti sa amin. Tulad ng makasaysayang "First jir, second jir, third jir at fourth jir!" Madalas yung mga jokes nyong ganun, hanggang uwian at hanggang jeep na pinag uusapan/ inuulit-ulit (minsan pa nga hanggang kinabukasan). Salamat po sa pag pag bibigay sa amin ng saya habang nag-aaral, na kahit mejo mahirap yung subject e keri lang kasi may tawa tayo minsan.

  Sa mga subject nyo po kami natataon na lumabas ng classroom para mag-conduct ng activity sa labas. Para sa akin po, kahit minsan nakakakaba at nakakaratttle e ang lakas po makatanggal ng stress. Kasi kahit na mejo naloloka kami sa gagawin at ginagawa pag katapos ng lahat lagi at pag nakapasa na e ina-acknowledge nyo po yung effort namin. 

  Para saakin isa po kayong paalala na Learning is fun! 

  Nakaintindi na ng Sikolohiyang Pilipino,

  vLah

No comments:

Post a Comment