Saturday, March 29, 2014

MAKAKAPWA AKO!

Makakapwa?

Lahat tayo may pakikipagkapwa-tao, lahat marunong makipag-kapwa.

Dati talaga hindi ko alam kung ano ang pinagkaiba ng kapwa tao sa pakikipag kapwa tao sa pagiging makatao. Basta dati ang alam ko lahat sila may tao sa dulo.

Pero ano nga ba yung pakikipag kapwa tao?

Ito yung maayos na pakikisama mo sa ibang tao. Yung pagkakaroon ng magandang relasyon sa ibang tao.

Napakagandang halimbawa nito ang mga Pilipino. Sa tingin ko nga only in the Philippines ang trait na ito. Bakit? e kasi naman da-best yata ang Pilipino sa magandang pakikitunguhan. Paano, kahit saang lugar mo papuntahin ang Pilipino magkakaroon at magkakaroon yan ng mga kakilala, kaibigan at makakapag-adapt agad sa lugar at mga tao doon. Ewan ba pero, astig ang mga Pilipino.

Kung sa tunguhan at tunguhan ang usapan, sabi sa aning Sikolohiyang Pilipino. May iba't ibang lebel ng tunguhan ang mga Pilipino.


  • Pakikitungo.
  • Pakikisalamuha.
  • Pakikilaho.
  • Pakikibagay.
  • Pakikisama.
  • Pakikipagpaglagayang-loob.
  • Pakikisangkot.
  • Pakikiisa.

**(Naka lebel ang patunguhan. [Simple hanggang pinaka matindi])

Iba ang tunguhan o pakikitungo natin sa IBANG TAO at HINDI IBANG TAO. Anong pinagkaiba? Sa pagkakaintindi ko yung IBANG TAO ay yung tinatawag natin na "others" yung hindi natin gaano "ka-close". Syempre yung HINDI IBANG TAO, sila yung malalapit ang loob natin sa kanila; mga kapamilya, kapuso, kapatid, kamag-anak, karelasyon at kaibigan.

Bakit kumplikado? Kasi nga Pinoy. (a/n: maipasok lang yung title ng blog. haha!)

Kasi merong CORE VALUE ang mga Pilipino na tinatawag na KAPWA. Ito yung "shared identity" . Kapwa kayo kapag may pareho kayong karanasan o pinagdadaanan o grupong kinabibilangan. KAPWA!

Ano ba ang dapat nating gawin para mas maging Okay o mapanatili ang magandang pakikipag tunguhan nating mga Pinoy?

DAPAT:


  • Mas lawakan ang pang-unawa. May pagkakataon kasi na kailangan lang ng ating kapwa ang mas malawak na pag intindi sa kanila. Para iwas gulo na din diba?
  • Pag lagabin lalo ang init ng pagtanggap. Yan tayo sa pagiging hospitable. Yan ang tatak talaga ng Pilipino! Yung magaling mag-asikaso sa bisita. Ipagpatuloy pa natin.
  • Mas maging proud maging Pinoy. Syempre, wag iwaksi sa isipan na ASTIG ang PINOY. Kasi nga meron tayong ONLY IN THE PHILIPPINES TRAIT.
  • Maging totoo. Sa atin kasi, dahil gusto makisama puro maganda lagi ang ating sinasabi. Minsan kailangan din antiin sabihin ang mali. Uso na po iyon. Para sa ikabubuti rin naman iyon ng kung sino man ang ating pupunahin. Paalala lang, dapat sa maayos na manner natin ilalahad.
  • Ngiti lang. Ang Pilipino, kahit sa gitna ng sakuna kayang-kaya ngumiti. Yung kahit hirap na hirap na e nakakahanap pa rin ng isang dahilan para tumawa. Yan ang Pinoy RESILIENT.


DI-DAPAT:


  • Iwasan mag reklamo ng reklamo. Tama na ang isa. Yan kasi talaga ang puno sa atin, mas nauuna pa nating mapansin ang mali kaysa matuwa sa tama.
  • Wag sobra. Lahat ng Sobra masama. Kaya kung gagawin mo ang mga nasa taas, moderate lang; sakto baga! kapag nasobrahan kasi imbis na makakatulong e baka mag-ugat pa ng problema.



Pilipino, sa Pilipinas man o sa labas ng bansa. THE BEST sa pakikitunghan. THE BEST SA PAKIKISAMA. Dito ko lang nakita yan at nasaksihan ko na grabe makisama ang mga Pilipino. Sabi nga nila, "Habang tumatagal lalong sumasarap!"


MAKAKAPWA AKO. MAKAKAPWA TAYO. MAKAKAPWA PILIPINO.


(c) kdeleon15.wordpress.com


No comments:

Post a Comment