(c) Mae Ann Lacbayo Weirdness Overload comes after Information Overload |
PASINTABI.
Ang mga susunod na post ay para sa aming subject na Sikolohiyang Pilipino. Ngayon pa lamang po ay humihingi na ako ng tawad sa maling grammar na makikita nyo.
Ang mga post ay nasa TAGLISH. Masyado po kasing malalim ang Filipino. Hindi ko po nakayang sisirin. Alam nyo na mahirap lumangoy pag mataba… umaantaw. Isa na ding dahilan nito ay feeling writer ako. haha! Ituturing ko ding hamon ang pagsusulat sa Filipino…hanggang maari. Kakayanin. Ang awkward naman kasi kung Pilipino ang subject tapos English ko iku-kwento. Isa pa, may mga salita sa filipino na mahirap isalin o hanapan ng katumbas sa English. sample? wag na… basta meron yan!
Sa sususnod na tatlo o apat na episodes este posts … may bisita akong writer… actually, ka-groupo ko sya sa subject na nabanggit. Pormal syang ipapakilala sa mga susunod na dikit (tama ba yung translation para sa post?)
Portfolio ba itong matatawag? Hmm.. sabi kasi dun sa guidelines na bigay ng guro naming, pwede naman daw ito format na ito. (Sabagay, yung kaklase nga naming blog din ang ginawa yun nga lang tumblr ang site nila at mas bongga sila. ) Simple lang itong blog na ito at hinahangad ko din na tumagal ako sa pag susulat dito. Kasi kahit sana ito na lang… yung maiambag ko sa aking kolehiyo.
Pasintabi. Disclaimer. Thank you.
No comments:
Post a Comment