”eh kasi nga pinoy”
Ewan. Pero ang daming tanong ng ibang tao, hindi ibang tao maging mga alien tungkol sa ating mga Pilipino na sa totoo lang napakahirap bigyan ng kasagutan. at ang tanging masaabi mo na lang ay “Eh kasi nga pinoy.” Sample? Bakit ba ang hilig ng pinoy kumain ng may sawsawan? Bakit laging may present na tsismosa at tambay sa harap ng tindahan? Bakit sindot-kulangot? Bakit kuya, e hindi mo naman kapatid? Ah, basta ang dami!
Bakit ang daming tanong? Eh kasi nga Pinoy. Sa totoo lang, madami talaga akong tanong. Yung iba nahanapan ko ng sagot… yung iba hindi pa rin. Kung alam nyo ang sagot… paki bulong sa akin. Bukas naman ang comment section para dito. Pero sa sagot na “eh kasi pinoy”, Naniniwala ako na KADALASAN pag iyon ang sagot naiintindihan ng karamihan. Tila ba sa tatlong salita na iyon, alam na.
Eh kasi Pinoy. paiba-iba ng format no?? Ganyan talaga pinoy ang gumawa ee.
Sa Blog na ito, madadaanan, matutuklasan at makikita natin ang iba’t ibang gawi at ugali ng mga Pilipino. Prangkang blog ukol sa Sikolohiya ng Pilipino… Blog ng Sikolohiyang Pilipino para sa mga Pilipino. Ang gulo ba?? Ako din naguluhan, hamusya na… sa mga susunod na entry sana maayos ko ito. hehe! Maari namang mag bigay ng puno at suhestiyon para sa ikakayos ng blog na ito.
No comments:
Post a Comment