Monday, March 31, 2014

Mula kay WILSON.

Kaklase ko si Wilson, nabanggit ko naman sa mga una kong posts na may kasama ako dito sa blog na ito. Ang mga sumusunod na post ay mula kay Wilson...
 Ang advice column ni wilson....*bow*

Dear Kuya Wilson,

Ako po ay isa  malugod na humanga sa mga katulad nyong mga estudyante na nagpapakadalubhasa sa larangang ng sikolohiya. Itago nyo n lng ako sa pangalang santino 19 years old nag aaral sa bikol university at kumukuha ng kursong B>A> fashion designing. Pag aaral kung paano ang iasng indibibdwal ay kumikilos o gumalaw sa isang sitwasyon, pangyayayri, o kahit sa simpleng bahagi ng pangaraw araw nitong pamumuhay.

Sa pagkamalikot po ng aking imahinasyon ako po ay naglakas ng loob uppang maghanap at magliwaliw sa internet at maghanap ng mga di matatawarang ideya ng pakikipagkapwa tao .

Isa sa tumawag ng aking pansin ang isang blog na tumatalakay sa galaw ng mga tao napukaw ang aking atensyon sa m,ga ideya n pumapaloob sa blog n ito isa sa usapin nito ay ang urei n pilipinog kumunikasyon sa parting ito ako ay nakarelate po ako ideayng ito nakaranas po ako ng makipagusap n ganito:

Santino: kuya George anung oras k uuwi?

George: mamaya\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\.

Sntino: ok po.

Sa bhagi pong ito ako po ay nagulat ng kung papaano ako nakaimntindi ng uri ng kumunisjkasyon n 
nagyari sa amin .


Dahil po ditto nais ko pong magftanung paano po b nagyari ang \ganitong salitaan.

Umaasa, 

Santino


00000000000


Dear Santino,

Maraming salamat sa iyong pagsubaybay at pagliham sa aming blog.

Ako si kuya Wilson at si Ate vlah ay natutuwang isipin na may tagasubaybay at taga suporta sa aming proyekto na nagsimula sa aming asignatura na Sikolohiyang Pilipino isang simpleng requirement n sa tingin nmin ay makakatulong upang mas mapalawak pa ang kaalaman ng mga tao sa ating kapaligiran sa mga bagay n mhalaga at mga bagay n may kinalaman sa atin bilang isang tao at bilang isang Pinoy.

Nang aking nabasa ang iyong liham ako ay nakarelate sa sitwasyon na iyong  sinaysay ako man din ay nakaranas ng ganuong pangyayari sa aking buhay ang makaranas ng ganung uri ng komunikasyon. Kakatuwang isipin na ang gaya nting Pilipino ay may kakayahan na umunawa ng gayang uri ng konbersasyon.

Isa marahil sa kadahilanan kung bakit tayong mga Pilipino ay nnagkakaintindihan sa kabila ng uri ng pgsagot ntin o n gating ka talakayan ay marahil sa tagal n gating pag sasama, t ang uri ng relasyon mayroon tayo ito man ay bilang ibang tao o di ibang taong relasyon sa ating kapwa. Na baad na tayong mga pinoy kung may pinagsamahan ng matagal khit senyas o khit ang pagkilos n gating mata ay alam n ntin ang nais n  ipahiwatig o ipahatid n mensahe n gating kapahayagan.

Isa p ding dahilan ng ganitong galing ntng mga pinoy ay marahil ang paulit ulit nting pag gamit ng ganitong uri ng konbersasyon upang tayo ay magkaroon ng palitan ng ideya ay ang way or manner of socializing with people around us.

Naway  nag karoon  ng ideya sa iyong ktanungan .

Tandaan TaTaK PiNoY tayo ating lg to.

Kuya Wilson,


==============================================


Ano nga ba ang sikolohiyang Pilipino?

Ang sikolohiyang Pilipino ay sikolohiyang bunga ng karanasan, kaisipan, at oryentasyong Pilipino. Mayaman ang batayan nito sa kultura, wika, diwa, pananaw, lipunan at kasaysayang Pilipino. Ang sikolohiyang Pilipino ay sistematiko at siyentipiko sa pagkuha ng kaalaman sa pamamagitan ng mga katutubong metodong naaangkop sa karanasan ng mga Pilipino. May malaking gamit ang agham na ito sa iba’t ibang aspeto ng buhay-Pilipino, tulad ng pagsasaka, paggugubat, industriya at edukasyon.
Inaasahan ding makapag-aambag ito sa ikalalawak at ikalalalim ng kaalaman sa agham panlipunan sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa isang sikolohiyang makabuluhan para sa mga Pilipino. Ang pagbibigay pansin sa mga ideya, karanasan, pananaw at Ibp. Na sumasalamin sa kung sino b at ano nga ba ang katangian n tayyong mga Pilipino lamang ang may taglay. Ang pagpapahalaga sa ugali, kilos, at maging mga karanasan at tao sa paligid natin ay isa nang malaking batayan ng sikolohiya nating mga Pilipino. Sa pamamagitan ng mga paraan ng pananaliksik ay ma lalong nabibigyan linaw ang kahalagahan ng sikolohiya sa ating mga Pilipino, sa kultura at ugali nting mga juan at juana ng bansang ating sinilangan at kinalakhan.


Ano ang naitulong ng asigaturang ito sa akin?

 Dahil sa Subject n ito mas naunawaan ko kung paano nagsimula ang mga Pilipino sa kani-kanilang pamumuhay, kung ano ang kahalagahan ng mga nkalipas na ala ala n gating mga ninuno kung ano ano ba ang mga naipamana nilng kultura n dapt nting ingatan at pangalagaan alinsunod sa ating pangako na ipreserba ang ating pagkapilipino.


Sa aking mga kamag aral at sa aking guro:


Maraming salamat sa inyong partisipayon sa ating pagkatuto sa asignaturranag ito malaking tulong ito upang mas maintindihan ko a ng halaga ko ng paniniwala ko ng mga bagay ugali at kulturang nmana ko at malaman ang kahalaggahan nito at na dapat ay pahalagahan ito at ingatan .

SEE-ONE at Sir JED.


  C1,

     SiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiWaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaan!!  

    Gaya ng nakasulat sa board natin, palapit na tayo sa senior year. Yung mga tipong isang buwan at mahigit na lang e, rarampa tayo sa corridor na may baong ngiti ng tagumpay kasi 'PORTJIR' na tayo!

   Nakakatuwa isipin na sa loob ng tatlong taon, unti-unti tayong nabuo. Minsan may di pagkakasundo pero nagiging ayos naman. Mga knock-knock na havey at waley!

   Salamat sa madaming pasensya sa akin! Alam ko kasi na may kahirapan ako intindihin... Okay, sige mahirap ako intindihin. Grabe yung pasensya nyo sa akin para intindhin at pakinggan ako. Lalo na sa mga tanong ko at sa mga jokes na waley.  

   Salamat sa kalinga. Nagkaroon ako ng dagdag na kalinga sa loob ng URS. Sa totoo lang, nakakatuwa at may kurot sa puso kapag sinasabihan nyo ko na 'Aba! maaga kang uuwi ah!' Pabiro man pero ramdam ko yung care. Nasobrang ang sarap sa pakiramdam!

   Salamat sa napakadaming memories to treasure! Salamat sa pag sasaboy ng kulay sa buhay kolehiyo ko! Salamat C1!!!!

  Lubos na kinikilig,

  vLah :)








------------


Sir Jed, 

  Hi Sir!! Hehe!! 

  Experimental Psychology pa lang po sobrang dami nyo nang naibahaging kaalaman na nakapagbibigay ng ngiti sa amin. Tulad ng makasaysayang "First jir, second jir, third jir at fourth jir!" Madalas yung mga jokes nyong ganun, hanggang uwian at hanggang jeep na pinag uusapan/ inuulit-ulit (minsan pa nga hanggang kinabukasan). Salamat po sa pag pag bibigay sa amin ng saya habang nag-aaral, na kahit mejo mahirap yung subject e keri lang kasi may tawa tayo minsan.

  Sa mga subject nyo po kami natataon na lumabas ng classroom para mag-conduct ng activity sa labas. Para sa akin po, kahit minsan nakakakaba at nakakaratttle e ang lakas po makatanggal ng stress. Kasi kahit na mejo naloloka kami sa gagawin at ginagawa pag katapos ng lahat lagi at pag nakapasa na e ina-acknowledge nyo po yung effort namin. 

  Para saakin isa po kayong paalala na Learning is fun! 

  Nakaintindi na ng Sikolohiyang Pilipino,

  vLah

SP. ASTIIIG!

Sa totoo lang, mas naging bukas ang mata at pang unawa ko sa ating kapwa tao dahil sa sikolohiyang pilipino. Madami akong natutunan sa Sikolohiyang pilipino namin. Madaming nakakatuwang bagay ang naranasan ko. 

Hinding hindi ko makaklimutan yung nag-survey kami para mapatunayan o malinawan kung tootoo nga bang babaero ang mga Pilipino? Tuwang-tuwa ako nung kasi sensitibo man ang topic dahil sa gender related issue e, ansaya pa rin. Kasi ang daming LEARNING, ang daming nilang opinyon na napasabi ako na "Oo nga no?" at may iba naman na nakakatuwa ipahayag ang kanilang opinyon.

Napansin ko sa mga Pilipino animated sila mag-kwento. Yung tipong may re-enactment pa. Madami sa kaibigan ko na ganyan mag kwento. Maging AKO din! Proud ako sabihin na minsan nga may sound effects pa ako! :) (a/n: ang ka-alienan ng author ay nakikita nyo na)

Isang balik-tanaw habang nag-aaral sa sikolohiyang Pilipino... Isang hinding-hindi ko malilimutang eksena sa loob ng Room 207.

Tinatalakay namin ang "LOOB at SARILI", hindi ko talaga maintindihan nung una kung ano ba ang pinagkaiba ng dalawa. E kasi naman, parang magkapareho lang. Pero nakuha ko na naman. (a/n: maniwala kayo sa hindi pinagkapuyatan ko intindihin yan!) Balik sa kwento, habang tinatalakay ang nasabing paksa, nagtaas ako ng kmay kasi hindi ko talaga maintindihan. Hindi ako nabigyan ng pagkakataon na tawagin kasi akala ng guro ko e, sasagutin ko yung tanong nya. Nakalagpas na sa paksang iyon, nagbibigay na ng halimbawa yung guro namin ng mapansin nyang nakakunot ako. Tinanong nya kung bakit parang hindi ako sumasang-ayon sa mga sinasabi nya, marahil nakita nya na nakakunot ako. Sinagot ko sya na hindi ko maintindihan, aminado naman ako na hindi ko maintindihan.

Bakit hindi ko iyon makalimutan? Bukod sa nakita ko na grabe talaga ang suporta at pag tuturo ng aming mga guro sa amin para lang mas maintindihan namin ang aming mga subjects. (a/n: Bukas talaga sila mag-turo sayo kapag hindi mo maintindihan. Lumalapit talaga kami sa kanila tuwing vacant namin para magtanong... hindi palagi pero minsan).  Hindi ko sya makalimutan kasi yun ang naging wake-up call sa akin; mas maging pamilyar sa mga salitang Filipino.
Wake-up call kasi parang natuka ako ng hinahanap ko. 
Hinahanap ko kasi yung ASTIG! Hindi ko basta mailarawan noon kung ano yung hinahanap ko, pero nung natapilok ako, eto lang pala; nasa harap ko na, tapos nilalagpasan-lagpasan ko lang.

Ngayon, para sa akin, gaya ng nabanggit sa naunang post parang karagatan ang SP, malawak at malalim. Natuwa akong pagmasdan at panoorin ang SP ngunit mas nasiyahan ako sa pag tatampisam at pag langoy ko. Nawa sa pag daan ng panahon, mas malayo at malalim ang malaman ko ukol sa SP.

SP, Salamat ng madami!!! ASTIG KA SP!

Saturday, March 29, 2014

SIKOLOHIYANG PILIPINO.


Hindi dahil Sikolohiya ang kurso ko ay ibebenta ko sa inyo ang SIKOLOHIYANG PILIPINO. Hindi!  Gusto ko lang ipakita sa inyo kung gaano kayaman ang Sikolohiyang Pilipino.


 Para sa akin sobrang lawak ng Sikolohiyang Pilipino, parang karagatan. Parang dagat na malawak, malalim; akala natin na iyon na iyon ngunit madami pa palang ihahain sa iyo kapag sinisid mo ng mas malalim. 

Para din syang dagat na malakas ang dating. May mga alon na matataas na mapapasabi ka ng WOW!

Parang dagat kasi lahat tayo kapag nadito na, gugustuhing lumangoy. Nanaisin natin magtampisaw ng may kasama.

parang dagat kasi sa pag punta mo sa tabing dagat may makikilala kang ibang tao na makakausap mo... malaon magiging hidi ibang tao sa palagid mo. 

Parang dagat na, mukhang simple pero kumplikado.

Parang dagat na, kahit saan ka makarating hahanap-hanapin at gugustuhin mong balik-balikan. 



ADVICE.



Dee,

 Nauunawaan ko ang pagka-gusto mo na mayos akayong makakaibigan. Ganyan talaga, dadating at dadating kayo na masusubok ang tatag ng samahan nyo. Lahat ng relasyon dumadaan sa ganyan. Sabi ng matatanda  mas ayos daw yun at mas maganda dahil mas mauunawaan nyo ang isa't isa.

Sa tinatanong mo kung ano pa ang dapat mong gawin... Sa tingin ko ay wala na. Oo, kabilang ka sa grupo at ikaw ang nahihirapan ngunit tandaan mo din na sila lang ang may alitan. Nakasanayan kasi nating mga Pilipino na maging "tulay" ng pagbabati o kung hindi man e maghanap ng "tulay". Pabayaan mo na lang silla na maayos ang alitan nila. Maayos at maayos din iyon.

Namana na natin ang Mana na Habit o procrastination sa Ingles. Alam na alam yan ng mga kabataan ngayon, ang mga katagang "mamaya na lang". Lahat tayo ay dumaan at nagkaroon ng ganyang kasanayan. Ngunit hindi maganda ang kaugaliang ito. Binibigyan tayo ng sapat na oras para makagawa ng mga bagay, sa kasong ito proyekto. Kadalasan, sa mga kabataan ngayon e isang araw bago ipasa ang proyekto saka lang gagawin, magpupuyat at hahapitin ito. Sa hapit na trabaho, kadalasan hindi maganda ang resulta. Hindi gaano ka quality ang gawa o mukhang zombie ka pag pasok mo kinabukasan.  

Bilang Pilipino ay likas sa atin na makialam sa nangyayari sa atin, likas din na makibagy sa ibang tao para sa mas magandang tunguhan. Natural na ang mga puna at komento, laging isipin na ang mga ito ay constructive critcisms na kung saan para sa ikagaganda at ikaauunlad mo ito. Kung nais ng magandang tunguhan maari, dapat lang ay magbigayan at mag unawaan.  May panahon na hindi kayo magkakasundo pero tiyak na may panahon para maitama ang lahat.

Nawa'y nakatulong ako!

Nagmamahal,

vLah

PENGENG ADVICE.

Dear vlah,

    Nagkagalit ang dalawa sa matalik kong kaibigan at dahil lagi naman kaming tatlo ang magkakasama lagi e ako ang naiipit sa kanila. Maliit lang na issue ang ugat ng problema, kahit ako e naliliitan dito pero dahil silang dalawa ang magkaumpukan e lumalaki.

   Nagsimula ang lahat sa isang maliit na komento. Gumagawa kasi kami ng proyekto para sa Humanities namin at kinakailangan na maipasa agad ito. Nagkasundo kaming tatlo sa konsepto ng proyekto, akala ko ay magiging maayos ang paggawa namin ngunit mali pala. Hinati-hati na namin ang trabaho upang mas mapadali ito, habang tumatakbo ang mga araw akala ko maayos na ang lahat, matatapos na ang aming proyekto.

  Hindi pala, nagkaroon pala ng munting alitan ang dalawa dahil nasita ni "C" si "B". Patumpik-tumpik pa daw kasi si "B" kaya't natatagalan ang proseso ng pagpapasa. Mula doon ay lumaki na ang away. At ako ang naaapektuhan.

  Gusto ko sila maayos, kaya't pilit ko silang pinagbabati. Sa huling subok ko, pareho silang nagalit sa akin. Gusto ko na po maayos ang mga pangyayari. Ano po ba ang dapat kong gawin?

Nagmamahal,

Dee

KATUTUBONG KONSEPTO.



Nagtapos ako ng High School sa Regional Pilot School for the Arts at kumuha ng Art Specialization na Music.Dahil dito, malapit na malapit ang puso ko sa musika; bago man o luma, Pilipino man o hindi. Isa ang musika sa aspeto ng sining na napakayaman.

Noong unang panahon, Sikat na sikat ang Kundiman. Sadyang talentado ang mga Pilipino kung kaya't nakakadala ng damdamin (ramramin) ang mga kanta; awit ng pag-ibig, awit ng pangarap at awit ng mga damdamin. Naging maugong ang pag gawa at pag tangkilik dahil mas ginagamit itong pang harana noong araw.

Sample ng Kundiman?  Napakinggan ko ang "Sa Lumang Simbahan" na gawa ni Maestro Constancio De Guzman na kinanta ni Larry Miranda sa youtube. Kayo nang humusga sa ganda ng musika... Musika natin.


Sa panahon ngayon, nabago ang tugtog na gamit. Pero nanatili ang pag gamit sa musika upang maihayag ng mas maganda ang saloobin ng may akda. Nagkaroon lang ng bagong accompaniment pero pareho pa rin ng ugat. May kurot pa rin sa damdamin ang musikang Pilipino.

Isa pang konsepto na maipagmamalaki ang balagtasan. Parang debate pero may sukat ang mga salita. Nakakaliw manood ng balagtasan sa kadahilanang bilis ng utak ang kailangang pairalin ng mga kalahok. Mas magandang ang batuhan ng linya mas maganda ang Balagtasan.

Sa ating panahon, RAP ang tumatayong balagtasan; FLIP TOP ang bagong balagtasan. May sukat pa rin ang mga salita pero ngayon may tugtog na (beat). Hinaluan man ng impluwensya ng panahon, parehong ugat, parehong konsepto; natalinong debate, debate na may laman.







MAKAKAPWA AKO!

Makakapwa?

Lahat tayo may pakikipagkapwa-tao, lahat marunong makipag-kapwa.

Dati talaga hindi ko alam kung ano ang pinagkaiba ng kapwa tao sa pakikipag kapwa tao sa pagiging makatao. Basta dati ang alam ko lahat sila may tao sa dulo.

Pero ano nga ba yung pakikipag kapwa tao?

Ito yung maayos na pakikisama mo sa ibang tao. Yung pagkakaroon ng magandang relasyon sa ibang tao.

Napakagandang halimbawa nito ang mga Pilipino. Sa tingin ko nga only in the Philippines ang trait na ito. Bakit? e kasi naman da-best yata ang Pilipino sa magandang pakikitunguhan. Paano, kahit saang lugar mo papuntahin ang Pilipino magkakaroon at magkakaroon yan ng mga kakilala, kaibigan at makakapag-adapt agad sa lugar at mga tao doon. Ewan ba pero, astig ang mga Pilipino.

Kung sa tunguhan at tunguhan ang usapan, sabi sa aning Sikolohiyang Pilipino. May iba't ibang lebel ng tunguhan ang mga Pilipino.


  • Pakikitungo.
  • Pakikisalamuha.
  • Pakikilaho.
  • Pakikibagay.
  • Pakikisama.
  • Pakikipagpaglagayang-loob.
  • Pakikisangkot.
  • Pakikiisa.

**(Naka lebel ang patunguhan. [Simple hanggang pinaka matindi])

Iba ang tunguhan o pakikitungo natin sa IBANG TAO at HINDI IBANG TAO. Anong pinagkaiba? Sa pagkakaintindi ko yung IBANG TAO ay yung tinatawag natin na "others" yung hindi natin gaano "ka-close". Syempre yung HINDI IBANG TAO, sila yung malalapit ang loob natin sa kanila; mga kapamilya, kapuso, kapatid, kamag-anak, karelasyon at kaibigan.

Bakit kumplikado? Kasi nga Pinoy. (a/n: maipasok lang yung title ng blog. haha!)

Kasi merong CORE VALUE ang mga Pilipino na tinatawag na KAPWA. Ito yung "shared identity" . Kapwa kayo kapag may pareho kayong karanasan o pinagdadaanan o grupong kinabibilangan. KAPWA!

Ano ba ang dapat nating gawin para mas maging Okay o mapanatili ang magandang pakikipag tunguhan nating mga Pinoy?

DAPAT:


  • Mas lawakan ang pang-unawa. May pagkakataon kasi na kailangan lang ng ating kapwa ang mas malawak na pag intindi sa kanila. Para iwas gulo na din diba?
  • Pag lagabin lalo ang init ng pagtanggap. Yan tayo sa pagiging hospitable. Yan ang tatak talaga ng Pilipino! Yung magaling mag-asikaso sa bisita. Ipagpatuloy pa natin.
  • Mas maging proud maging Pinoy. Syempre, wag iwaksi sa isipan na ASTIG ang PINOY. Kasi nga meron tayong ONLY IN THE PHILIPPINES TRAIT.
  • Maging totoo. Sa atin kasi, dahil gusto makisama puro maganda lagi ang ating sinasabi. Minsan kailangan din antiin sabihin ang mali. Uso na po iyon. Para sa ikabubuti rin naman iyon ng kung sino man ang ating pupunahin. Paalala lang, dapat sa maayos na manner natin ilalahad.
  • Ngiti lang. Ang Pilipino, kahit sa gitna ng sakuna kayang-kaya ngumiti. Yung kahit hirap na hirap na e nakakahanap pa rin ng isang dahilan para tumawa. Yan ang Pinoy RESILIENT.


DI-DAPAT:


  • Iwasan mag reklamo ng reklamo. Tama na ang isa. Yan kasi talaga ang puno sa atin, mas nauuna pa nating mapansin ang mali kaysa matuwa sa tama.
  • Wag sobra. Lahat ng Sobra masama. Kaya kung gagawin mo ang mga nasa taas, moderate lang; sakto baga! kapag nasobrahan kasi imbis na makakatulong e baka mag-ugat pa ng problema.



Pilipino, sa Pilipinas man o sa labas ng bansa. THE BEST sa pakikitunghan. THE BEST SA PAKIKISAMA. Dito ko lang nakita yan at nasaksihan ko na grabe makisama ang mga Pilipino. Sabi nga nila, "Habang tumatagal lalong sumasarap!"


MAKAKAPWA AKO. MAKAKAPWA TAYO. MAKAKAPWA PILIPINO.


(c) kdeleon15.wordpress.com


ANG SIMULA.

 ”eh kasi nga pinoy”  
Ewan. Pero ang daming tanong ng ibang tao, hindi ibang tao maging mga alien tungkol sa ating mga Pilipino na sa totoo lang napakahirap bigyan ng kasagutan. at ang tanging masaabi mo na lang ay “Eh kasi nga pinoy.”  Sample? Bakit ba ang hilig ng pinoy kumain ng may sawsawan? Bakit laging may present na tsismosa at tambay sa harap ng tindahan? Bakit sindot-kulangot? Bakit kuya, e hindi mo naman kapatid? Ah, basta ang dami!
Bakit ang daming tanong? Eh kasi nga Pinoy.  Sa totoo lang, madami talaga akong tanong. Yung iba nahanapan ko ng sagot… yung iba hindi pa rin. Kung alam nyo ang sagot… paki bulong sa akin. Bukas naman ang comment section para dito.  Pero sa sagot na “eh kasi pinoy”, Naniniwala ako na KADALASAN pag iyon ang sagot naiintindihan ng karamihan. Tila ba sa tatlong salita na iyon, alam na.
Eh kasi Pinoy.    paiba-iba ng format no?? Ganyan talaga pinoy ang gumawa ee.
Sa Blog na ito, madadaanan, matutuklasan at makikita natin ang iba’t ibang gawi at ugali ng mga Pilipino. Prangkang blog ukol sa Sikolohiya ng Pilipino… Blog ng Sikolohiyang Pilipino para sa mga Pilipino.  Ang gulo ba?? Ako din naguluhan, hamusya na… sa mga susunod na entry sana maayos ko ito. hehe! Maari namang mag bigay ng puno at suhestiyon para sa ikakayos ng blog na ito.

PASINTABI.

(c) Mae Ann Lacbayo
Weirdness Overload comes after Information Overload

PASINTABI.

Ang mga susunod na post ay para sa aming subject na Sikolohiyang Pilipino. Ngayon pa lamang po ay humihingi na ako ng tawad sa maling grammar na makikita nyo.
Ang mga post ay nasa TAGLISH. Masyado po kasing malalim ang Filipino. Hindi ko po nakayang sisirin. Alam nyo na mahirap lumangoy pag mataba… umaantaw. Isa na ding dahilan nito ay feeling writer ako. haha! Ituturing ko ding hamon ang pagsusulat sa Filipino…hanggang maari. Kakayanin. Ang awkward naman kasi kung Pilipino ang subject tapos English ko iku-kwento. Isa pa, may mga salita sa filipino na mahirap isalin o hanapan ng katumbas sa English. sample? wag na… basta meron yan!
Sa sususnod na tatlo o apat na episodes este posts … may bisita akong writer… actually, ka-groupo ko sya sa subject na nabanggit. Pormal syang ipapakilala sa mga susunod na dikit (tama ba yung translation para sa post?)
Portfolio ba itong matatawag? Hmm.. sabi kasi dun sa guidelines na bigay ng guro naming, pwede naman daw ito format na ito. (Sabagay, yung kaklase nga naming blog din ang ginawa yun nga lang tumblr ang site nila at mas bongga sila. ) Simple lang itong blog na ito at hinahangad ko din na tumagal ako sa pag susulat dito. Kasi kahit sana ito na lang… yung maiambag ko sa aking kolehiyo.
Pasintabi. Disclaimer. Thank you.

Sayang

Nakagawa na ako ng unang Blog na may parehong title. Pero dahil hindi naman ako ganun ka-pamilyar sa mga bagay-bagay dito sa internet, hayun di ko na alam kung paano i-recover. Na-publish na yung ibang articles pero dahil nga hindi ko alam kung paano ko kukunin... re-post ang peg. 

Ang Blog na ito ay para talaga sa subject namin na sikolohiyang Pilipino pero... dahil natuwa ako masyado e sige ipagpapatuloy ko na lang.

Objective ng Blog na ito ay makakipagdaupang-palad sa mga kapwa Pilipino. Base sa title ng blog na ito, grabe kasi nga pinoy . Tatalakayin natin ang ugali, gawi at kilos nating mga Pilipino na sa totoo lang hindi natin mapaliwag ng ganun ka simple. 

Hindi ako ganun kahusay gumamit ng Filipino kaya natutuwa din ako kasi mas makakapag-ensayo ako sa pag gamit ng wikang atin. Kaya kung mali man, bukas po ang aking pintuan sa mga puna. 

Sabi nila Alien daw ako, sa tingin ko naman konti lang. Siguro kaya nila nasabi kasi iba ang takbo ng pag-iisip ko. Hindi sa kung ano pa man kundi dahil... ang dami kong tanong. Kay madami din ba kayong tanong? Penge!  Ibahagi mo tapos pag-usapan natin! -- vLah