kasi nga pinoy
Tuesday, March 17, 2015
AFTER ONE YEAR!
Naka isang taon na pala no?Ang bilis ng panahon. Last year lang sabi ko sa blog na ito... ilang buwan na lang magiging PORTJIR na kami. Ngayon, heto senior year na ang tinatamasa namin... at ilang linggo na lang e, laya na kami. (lakas makapreso?) haha!Sa totoo lang, yung excitement na naramdaman ko last year mas mataas pa kesa ngayon. Bakit? Hindi ko din alam kung bakit o kung ano ang eksaktong dahilan... *haay!Pero siguro kaya mas excited ako last year kasi na-challenge ako i-tap yung stabndard bar na naka set para sa akin. Pero ngayon... hmmm, sa totoo lang nagising ako sa katotohanan na lagi ko na lang sinusubukan malagpasan kung anu mang bar ang nilagay nila.Kaya ngayon, heto ako... nalilito. Feeling ko kasi hindi naging okay yung mga panahong ginugol ko para sa kanila. Nalulungkot ako kasi ang daming nagagalit sa akin. Pero eto ang katotohan. gusto ko talagang bumawi sa sarili ko.Sinubukan kong umiwas, lumayo at pansamantalang huwag lumapit sa mga tao na tingin ko e mas nabigyan ko effort kesa sa sarili ko. Pero mukhang wrong move.Ang daming nagalit, nagagalit at magagalit.NAGALIT. Naipaintindi ko sa kanila ang nararamdaman ko. Sabi nila normal daw. Mejo late na din daw ako maturing stage. Nagalit yung iba kasi bakitngayon ko lang daw na-realize. Sa totoo lang. Nagalit din ako sa sarili ko.NAGAGALIT. Sa mismong oras na ito, kasalukuyan akong nasa gitna ng digmaan. May mga damdamin at tao na hindi sumasangayon na ginagawa ko. Ganun pa man, nagpapasalamat ako sa kanila dahil sa tulong nila, naiilista ko ng mabuti ang mga bagay na kailangan kong ayusin.MAGAGALIT. Panigurado, kapag nalaman ng nanay at tatay ko ito may sermon na naman akong matatnggap. Katulad din siguro ng litanya na makukuha ko sa mga taong bumabasa nito ngayon.Pasensya na.Tanging iyon lang ang kaya kong ibigay. Ang humingi ng tawad. Kung may hihingin man sila, sana kapag nakalagpas na ako sa challenge na to. Makakabawi naman ako sa kanila... wag lang talaga ngayon.pagkatapos ng isang taon...eto ako, nagbago at nagbabago. Sabi nga nila "the only thing that's permanent in this world is change." Kaya eto ako ngayon nagbabago...P.S: Gusto ko lang talaga bigyan ng mas higit na pagmamahal ang sarili ko.
Monday, March 31, 2014
Mula kay WILSON.
Kaklase ko si Wilson, nabanggit ko naman sa mga una kong posts na may kasama ako dito sa blog na ito. Ang mga sumusunod na post ay mula kay Wilson...
Ang advice column ni wilson....*bow*
Dear Kuya Wilson,
Ako po ay isa malugod na humanga sa mga katulad nyong mga
estudyante na nagpapakadalubhasa sa larangang ng sikolohiya. Itago nyo n lng
ako sa pangalang santino 19 years old nag aaral sa bikol university at kumukuha
ng kursong B>A> fashion designing. Pag aaral kung paano ang iasng
indibibdwal ay kumikilos o gumalaw sa isang sitwasyon, pangyayayri, o kahit sa
simpleng bahagi ng pangaraw araw nitong pamumuhay.
Sa pagkamalikot po ng aking imahinasyon ako
po ay naglakas ng loob uppang maghanap at magliwaliw sa internet at maghanap ng
mga di matatawarang ideya ng pakikipagkapwa tao .
Isa sa tumawag ng aking pansin ang isang
blog na tumatalakay sa galaw ng mga tao napukaw ang aking atensyon sa m,ga
ideya n pumapaloob sa blog n ito isa sa usapin nito ay ang urei n pilipinog
kumunikasyon sa parting ito ako ay nakarelate po ako ideayng ito nakaranas po
ako ng makipagusap n ganito:
Santino: kuya George anung oras k uuwi?
George: mamaya\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\.
Sntino: ok po.
Sa bhagi pong ito ako po ay nagulat ng kung
papaano ako nakaimntindi ng uri ng kumunisjkasyon n
nagyari sa amin .
Dahil po ditto nais ko pong magftanung
paano po b nagyari ang \ganitong salitaan.
Umaasa,
Santino
00000000000
Dear Santino,
Maraming salamat sa iyong
pagsubaybay at pagliham sa aming blog.
Ako si kuya Wilson at si Ate vlah
ay natutuwang isipin na may tagasubaybay at taga suporta sa aming proyekto na
nagsimula sa aming asignatura na Sikolohiyang Pilipino isang simpleng
requirement n sa tingin nmin ay makakatulong upang mas mapalawak pa ang kaalaman
ng mga tao sa ating kapaligiran sa mga bagay n mhalaga at mga bagay n may
kinalaman sa atin bilang isang tao at bilang isang Pinoy.
Nang aking nabasa ang iyong liham
ako ay nakarelate sa sitwasyon na iyong
sinaysay ako man din ay nakaranas ng ganuong pangyayari sa aking buhay
ang makaranas ng ganung uri ng komunikasyon. Kakatuwang isipin na ang gaya
nting Pilipino ay may kakayahan na umunawa ng gayang uri ng konbersasyon.
Isa marahil sa kadahilanan kung
bakit tayong mga Pilipino ay nnagkakaintindihan sa kabila ng uri ng pgsagot
ntin o n gating ka talakayan ay marahil sa tagal n gating pag sasama, t ang uri
ng relasyon mayroon tayo ito man ay bilang ibang tao o di ibang taong relasyon
sa ating kapwa. Na baad na tayong mga pinoy kung may pinagsamahan ng matagal
khit senyas o khit ang pagkilos n gating mata ay alam n ntin ang nais n ipahiwatig o ipahatid n mensahe n gating
kapahayagan.
Isa p ding dahilan ng ganitong
galing ntng mga pinoy ay marahil ang paulit ulit nting pag gamit ng ganitong
uri ng konbersasyon upang tayo ay magkaroon ng palitan ng ideya ay ang way or
manner of socializing with people around us.
Naway nag karoon
ng ideya sa iyong ktanungan .
Tandaan TaTaK PiNoY tayo ating lg
to.
Kuya Wilson,
==============================================
==============================================
Ano nga ba ang sikolohiyang Pilipino?
Ang sikolohiyang Pilipino
ay sikolohiyang bunga ng karanasan, kaisipan, at oryentasyong Pilipino. Mayaman
ang batayan nito sa kultura, wika, diwa, pananaw, lipunan at kasaysayang
Pilipino. Ang sikolohiyang Pilipino ay sistematiko at siyentipiko sa pagkuha ng
kaalaman sa pamamagitan ng mga katutubong metodong naaangkop sa karanasan ng
mga Pilipino. May malaking gamit ang agham na ito sa iba’t ibang aspeto ng
buhay-Pilipino, tulad ng pagsasaka, paggugubat, industriya at edukasyon.
Inaasahan ding
makapag-aambag ito sa ikalalawak at ikalalalim ng kaalaman sa agham panlipunan
sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa isang sikolohiyang
makabuluhan para sa mga Pilipino. Ang pagbibigay pansin sa mga ideya,
karanasan, pananaw at Ibp. Na sumasalamin sa kung sino b at ano nga ba ang
katangian n tayyong mga Pilipino lamang ang may taglay. Ang pagpapahalaga sa
ugali, kilos, at maging mga karanasan at tao sa paligid natin ay isa nang
malaking batayan ng sikolohiya nating mga Pilipino. Sa pamamagitan ng mga
paraan ng pananaliksik ay ma lalong nabibigyan linaw ang kahalagahan ng
sikolohiya sa ating mga Pilipino, sa kultura at ugali nting mga juan at juana
ng bansang ating sinilangan at kinalakhan.
Ano ang naitulong ng
asigaturang ito sa akin?
Dahil sa Subject n ito mas naunawaan ko kung
paano nagsimula ang mga Pilipino sa kani-kanilang pamumuhay, kung ano ang
kahalagahan ng mga nkalipas na ala ala n gating mga ninuno kung ano ano ba ang
mga naipamana nilng kultura n dapt nting ingatan at pangalagaan alinsunod sa
ating pangako na ipreserba ang ating pagkapilipino.
Sa aking mga kamag aral at
sa aking guro:
Maraming salamat sa inyong
partisipayon sa ating pagkatuto sa asignaturranag ito malaking tulong ito upang
mas maintindihan ko a ng halaga ko ng paniniwala ko ng mga bagay ugali at
kulturang nmana ko at malaman ang kahalaggahan nito at na dapat ay pahalagahan
ito at ingatan .
SEE-ONE at Sir JED.
C1,
SiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiWaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaan!!
Gaya ng nakasulat sa board natin, palapit na tayo sa senior year. Yung mga tipong isang buwan at mahigit na lang e, rarampa tayo sa corridor na may baong ngiti ng tagumpay kasi 'PORTJIR' na tayo!
Nakakatuwa isipin na sa loob ng tatlong taon, unti-unti tayong nabuo. Minsan may di pagkakasundo pero nagiging ayos naman. Mga knock-knock na havey at waley!
Salamat sa madaming pasensya sa akin! Alam ko kasi na may kahirapan ako intindihin... Okay, sige mahirap ako intindihin. Grabe yung pasensya nyo sa akin para intindhin at pakinggan ako. Lalo na sa mga tanong ko at sa mga jokes na waley.
Salamat sa kalinga. Nagkaroon ako ng dagdag na kalinga sa loob ng URS. Sa totoo lang, nakakatuwa at may kurot sa puso kapag sinasabihan nyo ko na 'Aba! maaga kang uuwi ah!' Pabiro man pero ramdam ko yung care. Nasobrang ang sarap sa pakiramdam!
Salamat sa napakadaming memories to treasure! Salamat sa pag sasaboy ng kulay sa buhay kolehiyo ko! Salamat C1!!!!
Lubos na kinikilig,
vLah :)
------------
Sir Jed,
Hi Sir!! Hehe!!
Experimental Psychology pa lang po sobrang dami nyo nang naibahaging kaalaman na nakapagbibigay ng ngiti sa amin. Tulad ng makasaysayang "First jir, second jir, third jir at fourth jir!" Madalas yung mga jokes nyong ganun, hanggang uwian at hanggang jeep na pinag uusapan/ inuulit-ulit (minsan pa nga hanggang kinabukasan). Salamat po sa pag pag bibigay sa amin ng saya habang nag-aaral, na kahit mejo mahirap yung subject e keri lang kasi may tawa tayo minsan.
Sa mga subject nyo po kami natataon na lumabas ng classroom para mag-conduct ng activity sa labas. Para sa akin po, kahit minsan nakakakaba at nakakaratttle e ang lakas po makatanggal ng stress. Kasi kahit na mejo naloloka kami sa gagawin at ginagawa pag katapos ng lahat lagi at pag nakapasa na e ina-acknowledge nyo po yung effort namin.
Para saakin isa po kayong paalala na Learning is fun!
Nakaintindi na ng Sikolohiyang Pilipino,
vLah
SP. ASTIIIG!
Sa totoo lang, mas naging bukas ang mata at pang unawa ko sa ating kapwa tao dahil sa sikolohiyang pilipino. Madami akong natutunan sa Sikolohiyang pilipino namin. Madaming nakakatuwang bagay ang naranasan ko.
Hinding hindi ko makaklimutan yung nag-survey kami para mapatunayan o malinawan kung tootoo nga bang babaero ang mga Pilipino? Tuwang-tuwa ako nung kasi sensitibo man ang topic dahil sa gender related issue e, ansaya pa rin. Kasi ang daming LEARNING, ang daming nilang opinyon na napasabi ako na "Oo nga no?" at may iba naman na nakakatuwa ipahayag ang kanilang opinyon.
Napansin ko sa mga Pilipino animated sila mag-kwento. Yung tipong may re-enactment pa. Madami sa kaibigan ko na ganyan mag kwento. Maging AKO din! Proud ako sabihin na minsan nga may sound effects pa ako! :) (a/n: ang ka-alienan ng author ay nakikita nyo na)
Isang balik-tanaw habang nag-aaral sa sikolohiyang Pilipino... Isang hinding-hindi ko malilimutang eksena sa loob ng Room 207.
Tinatalakay namin ang "LOOB at SARILI", hindi ko talaga maintindihan nung una kung ano ba ang pinagkaiba ng dalawa. E kasi naman, parang magkapareho lang. Pero nakuha ko na naman. (a/n: maniwala kayo sa hindi pinagkapuyatan ko intindihin yan!) Balik sa kwento, habang tinatalakay ang nasabing paksa, nagtaas ako ng kmay kasi hindi ko talaga maintindihan. Hindi ako nabigyan ng pagkakataon na tawagin kasi akala ng guro ko e, sasagutin ko yung tanong nya. Nakalagpas na sa paksang iyon, nagbibigay na ng halimbawa yung guro namin ng mapansin nyang nakakunot ako. Tinanong nya kung bakit parang hindi ako sumasang-ayon sa mga sinasabi nya, marahil nakita nya na nakakunot ako. Sinagot ko sya na hindi ko maintindihan, aminado naman ako na hindi ko maintindihan.
Bakit hindi ko iyon makalimutan? Bukod sa nakita ko na grabe talaga ang suporta at pag tuturo ng aming mga guro sa amin para lang mas maintindihan namin ang aming mga subjects. (a/n: Bukas talaga sila mag-turo sayo kapag hindi mo maintindihan. Lumalapit talaga kami sa kanila tuwing vacant namin para magtanong... hindi palagi pero minsan). Hindi ko sya makalimutan kasi yun ang naging wake-up call sa akin; mas maging pamilyar sa mga salitang Filipino.
Ngayon, para sa akin, gaya ng nabanggit sa naunang post parang karagatan ang SP, malawak at malalim. Natuwa akong pagmasdan at panoorin ang SP ngunit mas nasiyahan ako sa pag tatampisam at pag langoy ko. Nawa sa pag daan ng panahon, mas malayo at malalim ang malaman ko ukol sa SP.

Wake-up call kasi parang natuka ako ng hinahanap ko.Hinahanap ko kasi yung ASTIG! Hindi ko basta mailarawan noon kung ano yung hinahanap ko, pero nung natapilok ako, eto lang pala; nasa harap ko na, tapos nilalagpasan-lagpasan ko lang.
Ngayon, para sa akin, gaya ng nabanggit sa naunang post parang karagatan ang SP, malawak at malalim. Natuwa akong pagmasdan at panoorin ang SP ngunit mas nasiyahan ako sa pag tatampisam at pag langoy ko. Nawa sa pag daan ng panahon, mas malayo at malalim ang malaman ko ukol sa SP.
SP, Salamat ng madami!!! ASTIG KA SP!
Saturday, March 29, 2014
SIKOLOHIYANG PILIPINO.
Hindi dahil Sikolohiya ang kurso ko ay ibebenta ko sa inyo ang SIKOLOHIYANG PILIPINO. Hindi! Gusto ko lang ipakita sa inyo kung gaano kayaman ang Sikolohiyang Pilipino.
Para sa akin sobrang lawak ng Sikolohiyang Pilipino, parang karagatan. Parang dagat na malawak, malalim; akala natin na iyon na iyon ngunit madami pa palang ihahain sa iyo kapag sinisid mo ng mas malalim.
Para din syang dagat na malakas ang dating. May mga alon na matataas na mapapasabi ka ng WOW!
Parang dagat kasi lahat tayo kapag nadito na, gugustuhing lumangoy. Nanaisin natin magtampisaw ng may kasama.
parang dagat kasi sa pag punta mo sa tabing dagat may makikilala kang ibang tao na makakausap mo... malaon magiging hidi ibang tao sa palagid mo.
Parang dagat na, mukhang simple pero kumplikado.
Parang dagat na, kahit saan ka makarating hahanap-hanapin at gugustuhin mong balik-balikan.
ADVICE.
Dee,
Nauunawaan ko ang pagka-gusto mo na mayos akayong makakaibigan. Ganyan talaga, dadating at dadating kayo na masusubok ang tatag ng samahan nyo. Lahat ng relasyon dumadaan sa ganyan. Sabi ng matatanda mas ayos daw yun at mas maganda dahil mas mauunawaan nyo ang isa't isa.
Sa tinatanong mo kung ano pa ang dapat mong gawin... Sa tingin ko ay wala na. Oo, kabilang ka sa grupo at ikaw ang nahihirapan ngunit tandaan mo din na sila lang ang may alitan. Nakasanayan kasi nating mga Pilipino na maging "tulay" ng pagbabati o kung hindi man e maghanap ng "tulay". Pabayaan mo na lang silla na maayos ang alitan nila. Maayos at maayos din iyon.
Namana na natin ang Mana na Habit o procrastination sa Ingles. Alam na alam yan ng mga kabataan ngayon, ang mga katagang "mamaya na lang". Lahat tayo ay dumaan at nagkaroon ng ganyang kasanayan. Ngunit hindi maganda ang kaugaliang ito. Binibigyan tayo ng sapat na oras para makagawa ng mga bagay, sa kasong ito proyekto. Kadalasan, sa mga kabataan ngayon e isang araw bago ipasa ang proyekto saka lang gagawin, magpupuyat at hahapitin ito. Sa hapit na trabaho, kadalasan hindi maganda ang resulta. Hindi gaano ka quality ang gawa o mukhang zombie ka pag pasok mo kinabukasan.
Bilang Pilipino ay likas sa atin na makialam sa nangyayari sa atin, likas din na makibagy sa ibang tao para sa mas magandang tunguhan. Natural na ang mga puna at komento, laging isipin na ang mga ito ay constructive critcisms na kung saan para sa ikagaganda at ikaauunlad mo ito. Kung nais ng magandang tunguhan maari, dapat lang ay magbigayan at mag unawaan. May panahon na hindi kayo magkakasundo pero tiyak na may panahon para maitama ang lahat.
Nawa'y nakatulong ako!
Nagmamahal,
vLah
PENGENG ADVICE.
Dear vlah,
Nagkagalit ang dalawa sa matalik kong kaibigan at dahil lagi naman kaming tatlo ang magkakasama lagi e ako ang naiipit sa kanila. Maliit lang na issue ang ugat ng problema, kahit ako e naliliitan dito pero dahil silang dalawa ang magkaumpukan e lumalaki.
Nagsimula ang lahat sa isang maliit na komento. Gumagawa kasi kami ng proyekto para sa Humanities namin at kinakailangan na maipasa agad ito. Nagkasundo kaming tatlo sa konsepto ng proyekto, akala ko ay magiging maayos ang paggawa namin ngunit mali pala. Hinati-hati na namin ang trabaho upang mas mapadali ito, habang tumatakbo ang mga araw akala ko maayos na ang lahat, matatapos na ang aming proyekto.
Hindi pala, nagkaroon pala ng munting alitan ang dalawa dahil nasita ni "C" si "B". Patumpik-tumpik pa daw kasi si "B" kaya't natatagalan ang proseso ng pagpapasa. Mula doon ay lumaki na ang away. At ako ang naaapektuhan.
Gusto ko sila maayos, kaya't pilit ko silang pinagbabati. Sa huling subok ko, pareho silang nagalit sa akin. Gusto ko na po maayos ang mga pangyayari. Ano po ba ang dapat kong gawin?
Nagmamahal,
Dee

Subscribe to:
Posts (Atom)