Tuesday, March 17, 2015

AFTER ONE YEAR!

Naka isang taon na pala no?Ang bilis ng panahon. Last year lang sabi ko sa blog na ito... ilang buwan na lang magiging PORTJIR na kami. Ngayon, heto senior year na ang tinatamasa namin... at ilang linggo na lang e, laya na kami. (lakas makapreso?) haha!Sa totoo lang, yung excitement na naramdaman ko last year mas mataas pa kesa ngayon. Bakit? Hindi ko din alam kung bakit o kung ano ang eksaktong dahilan... *haay!Pero siguro kaya mas excited ako last year kasi na-challenge ako i-tap yung stabndard bar na naka set para sa akin. Pero ngayon... hmmm, sa totoo lang nagising ako sa katotohanan na lagi ko na lang sinusubukan malagpasan kung anu mang bar ang nilagay nila.Kaya ngayon, heto ako... nalilito. Feeling ko kasi hindi naging okay yung mga panahong ginugol ko para sa kanila. Nalulungkot ako kasi ang daming nagagalit sa akin. Pero eto ang katotohan. gusto ko talagang bumawi sa sarili ko.Sinubukan kong umiwas, lumayo at pansamantalang huwag lumapit sa mga tao na tingin ko e mas nabigyan ko effort kesa sa sarili ko. Pero mukhang wrong move.Ang daming nagalit, nagagalit at magagalit.NAGALIT. Naipaintindi ko sa kanila ang nararamdaman ko. Sabi nila normal daw. Mejo late na din daw ako maturing stage. Nagalit yung iba kasi bakitngayon ko lang daw na-realize. Sa totoo lang. Nagalit din ako sa sarili ko.NAGAGALIT. Sa mismong oras na ito, kasalukuyan akong nasa gitna ng digmaan. May mga damdamin at tao na hindi sumasangayon na ginagawa ko. Ganun pa man, nagpapasalamat ako sa kanila dahil sa tulong nila, naiilista ko ng mabuti ang mga bagay na kailangan kong ayusin.MAGAGALIT. Panigurado, kapag nalaman ng nanay at tatay ko ito may sermon na naman akong matatnggap. Katulad din siguro ng litanya na makukuha ko sa mga taong bumabasa nito ngayon.Pasensya na.Tanging iyon lang ang kaya kong ibigay. Ang humingi ng tawad. Kung may hihingin man sila, sana kapag nakalagpas na ako sa challenge na to. Makakabawi naman ako sa kanila... wag lang talaga ngayon.pagkatapos ng isang taon...eto ako, nagbago at nagbabago. Sabi nga nila "the only thing that's permanent in this world is change." Kaya eto ako ngayon nagbabago...P.S: Gusto ko lang talaga bigyan ng mas higit na pagmamahal ang sarili ko.


No comments:

Post a Comment